CSFWD 2015 Year End Assembly

Masayang naipag-diwang ang nagdaang “Year End Assembly” ng City of San Fernando Water District, na ginanap noong Disyembre 18, 2015 sa Cafe Rustico, CSFP. Sa pangunguna ng General Manager na si Jorge P. Gumba at mga kasapi ng Board of Directors, sari-saring mga pa-premyo ang ipinamigay ng kumanya sa mga empleyado nito. Nagkaroon naman ng labanan sa kantahan na isinunod ang tema sa tv show na “The Voice” na kung saan may kinatawan ang bawat Dibisyon. Tinanghal na kampeon sa taong ito si Murphy Sapnu na galing sa Management Services Division, pangalawa naman ang kinatawan ng Water Sanitation and Mainline Distribution Management Division na si Michael Allen Manapat, at pangatlo sa pwesto si Jan-nelle Lacanlale na mula sa Budget and Accounting Division. Nagtanghal rin sa pagtitipong ito ang mga empleyadong kumatawan sa PAMAWD Christmas Party na kung saan naging kampeon sa parehas na taon ang...

CSFWD, tinanghal na kampeon sa PAMAWD Christmas Party

Sa mahigit na sampung (10) Water District sa Pampanga ang nagtanghal at naglaban-laban noong Desyembre 10, 2015, opisyal na ideneklara ang City of San Fernando Water District na kampeon sa PAMAWD Christmas Party na ginawa sa Widus Hotel, Clark Pampanga. Pangalawa sa nanalo ang Lubao Water District, at pangatlo naman ang Candaba. Iba’t-ibang istilo at mga pakulo ang pinakita ng mga nasabing Water District. May ilan sa mga ito, ang nagbihis na tila manok, may mga kumanta at sumayaw at may ilan namang isinunod ang tema sa pasko. Sari-saring mga papremyo rin ang ipinamigay sa lahat ng mga dumalo sa nasabing...

MID YEAR ASSEMBLY 2015

Gaya ng isang pamilya, ang mahigit na 170 empleyado ng CSFWD ay nagtipon para sa taunang midyear assembly at team building noong May 7-9, 2015 sa Isla Virginia, Baler, Aurora. Ang mga Board of Directors sa pangunguna ni Chairperson Tonette Orejas at si GM Jorge Gumba ay nagbigay ng mga mensahe na sumentro sa kahalagahan ng pagkakaisa. Ang mga palaro ay hindi lang nagbigay ng kasiyahan. Nagbigay din ang mga ito ng aral sa pagpapahusay ng trabaho at organisasyon, respeto sa bawat isa, at pagkamit ng tamang...

20th World Water Day

Ipinagdiwang ng City of San Fernando Water District (CSFWD) ang ika – 20 anibersaryo ng World Water Day sa pamamagitan ng isang water forum na may temang “Water and Sustainable Development in the City of San Fernando.” Ito ay ginanap sa Benigno S. Aquino Hall noong March 27, 2015. Layunin nito na makakuha ng suporta mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan para mapalaganap ang tamang pag-gamit at pag-titipid ng tubig. Kabilang ang ilang mga opisyal ng mga barangay sa lungsod sa mga dumalo sa pagtitipon. Pangunahing speaker sa pagtitipon sina Mario Sandoval, na isang geologist, at si Councilor Bj Lagman, konsihal sa lunsod ng San Fernando. Sila ang mga nagbahagi hinggil sa pag-poprotekta sa kalikasan at patitipid ng tubig. Ayon kay Sandoval ang mabilis na pag-unlad at urbanisasyon, pabago-bagong panahon at pagtaas ng bilang ng mga kailangang pagkain ay ilan sa mga kadahilanan ng pagtaas ng pangangailangan ng malinis na tubig. Sa pagdiriwang ding ito siniyasat ang iba pang mga problema kabilang ang water diplomacy, transboundary water management, at ang financial cooperation. Binigyang diin naman ng General Manager ng CSFWD na si Jorge Gumba na malaki ang ginagampanang papel ng mga barangay opisyal hinggil sa pag-papakilos sa mga mamamayan upang suportahan ang mga programang pang-kalikasan. Sila din ay makatutulong na abisuhan ang mga tao sa komunidad patungkol sa mga kasalukuyang programa at maging ang mga plano ng barangay. Dagdag pa nito, ang water utility ay isang aktibong kasangga sa patitipid ng tubig, kaya naman hinihikiyat ang lahat ng mga konsesyoners na magtipis ng tubig lalo na sa panahon ng tag-init. Ani pa ni Gumba, ang problema sa tubig ay...

KAUNA-UNAHANG WATER TRUCK NG CSFWD

Ang City of San Fernando Water District (CSFWD) ay may roon na namang bagong handog sa mamamayan ng City of San Fernando nang ilunsad nito ang kanyang kauna-unahang water truck na may layuning makapaghatid ng malinis at ligtas na tubig sa mga panahon ng emergency at iba’t ibang kalamidad. Ang bagong water truck ay binless noong Pebrero 12, 2015, sa City Hall, sa pangunguna ni Mayor Edwin “EDSA” Santiago, CSFWD General Manager Jorge Gumba at iba pang opisyal ng water district. Ayon kay GM Gumba, ito ay binili para marasyunan ng tubig ang halos 40, 000 concessionaires sa panahon ng kalamidad o kung sakaling magka problema ang 33 pump stations ng water district sa pag-susupply ng tubig. Dagdag pa nito, magagamit ang water truck para sa mga komunidad na hindi naabutan ng serbisyo na nangangailangan rin ng malinis na tubig. Ang naturang six-wheeler stainless water tanker na may capacity na 3,400 liters ay nagkakahalaga ng 1.9 million pesos. Ito ay gagamitin din sa regular na operasyon ng CSFWD. Ikinuwento ni GM Gumba na napagdisisyunan ng CSFWD Management and Board of Directors na bilhin ang naturang truck dahil sa nadanasan nilang pagbaha noong 2011, kung saan ay nakapagbigay lamang and water district ng bottled water sa iilan lamang na mga nabahang barangay. Si Tonette Orejas, Chairperson ng Board of Directors ng CSFWD, kasama ang iba pang mga directors, ay nagpasalamat sa Department of Budget Management (DBM) sa pagpapahintulot nila na bilhin ang naturang...