Sa mahigit na sampung (10) Water District sa Pampanga ang nagtanghal at naglaban-laban noong Desyembre 10, 2015, opisyal na ideneklara ang City of San Fernando Water District na kampeon sa PAMAWD Christmas Party na ginawa sa Widus Hotel, Clark Pampanga.
Pangalawa sa nanalo ang Lubao Water District, at pangatlo naman ang Candaba. Iba’t-ibang istilo at mga pakulo ang pinakita ng mga nasabing Water District. May ilan sa mga ito, ang nagbihis na tila manok, may mga kumanta at sumayaw at may ilan namang isinunod ang tema sa pasko. Sari-saring mga papremyo rin ang ipinamigay sa lahat ng mga dumalo sa nasabing pagtitipon.