Pebrero 24, 2015 sa Sulo Riviera Hotel, Quezon City, nanumpa si GM Jorge Gumba bilang bagong pangulo ng Water Environment Association of the Philippines o WEAP.

Ang WEAP ay isang samahan ng mga pribado at publikong tao at kumpanya sa buong Pilipinas. Pangunahing adhikain nito ang pangalagaan ang kalikasan, lalo na ang mga yamang-tubig. Ang bise presidente ng WEAP ay si GM Restituto Sumanga ng Calamba Water District. Ang mga directors ay sina Engr. Olimpio Gusi ng Primewater (dating pangulo ng WEAP); GM Roger Borja ng San Pablo Water District; at GM Art Baylosis ng Baliuag Water District.