Pinagtibay ng sportsfest ang pagkakaisa at samahan ng mga empleyado ng City of San Fernando Water District (CSFWD).
Sinimulan ang kumpetisyon noong Enero sa Barangay Juliana bilang kick-off sa pagdiriwang ng ika-38 taong anibersayo ng CSFWD.
Tag-apat na pangkat sa basketball and volleyball ang naglaban.
Matapos ang halos walong linggong labanan ng bawat koponan, nanalo bilang kampeon ang Blue Team laban sa Black Team sa larong basketball at idineklarang Most Valuable Player si John David Lising.
Nanguna naman sa volleyball ang Black Team at pumangalawa ang Red Team. Napiling Most Valuable Player sa volleyball si Ervin Mallari.
Lahat ng nagwagi ay binigyang parangal at nagkamit ng tropeo pati papremyong pera noong ika-6 ng Marso, 2015, kasabay ng programa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng CSFWD.