Balik-tanaw sa Araw ng Kalayaan

Isa ang City of San Fernando Water District sa mga nakilahok upang magbalik tanaw sa nakaraang Araw ng Kalayaan, noong Hunyo 12, 2016. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng ibat-ibang kawani ng Gobyerno sa pamumuno ni Mayor Edwin Santiago at Vice Mayor Jimmmy Lazatin. Isinabuhay muli ang mga hindi malimutang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng ating bansa. Ibat-ibang tema at pakulo ang isinagawa ng mga ahensya na kabilang sa parada. May ilan sa mga ito ang  mga nagbihis na tila sundalo, may mga pari at madre, at mayroong namang gumaya sa mga naging pangulo ng Pilipinas. Isa sa mga layunin nito ang pagpapalawak sa kaalaman at pagbibigay ng halaga mula sa mga taong nagbuwis at nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Nagsimula ang parada sa Munisipyo at nagtapos naman ang buong programa sa Heroes...

PAMAWD FUN RUN 2016

Masayang na-ipagdiwang ang “PAMAWD Fun Run” noong nakaraang Hunyo 10, 2016 na ginanap sa CDC Ground Parade, Clark Pampanga. Isa ang palarong ito sa mga aktibidades na isinagawa para sa lahat ng mga Water District sa Pampanga. Layunin nito ang pagkakaisa ng mga Water District sa nasabing probinsya para sa iisang mitihin, ang lalong mapabuti at mas kalidad na serbisyo ang maibahagi sa mga mamamayan at sa lipunan. Kabilang sa mga nanalo, si Charmy Tuazon, empleyado ng CSFWD na nakakuha sa pangalawang titulo mula sa kategoryang “3 km” at Ibat-ibang mga pa-premyo naman ang ipinamigay sa lahat. Taon-taong idinaraos ang palarong ito, at bukas ito sa lahat empleyado ng Water District sa buong...