Isa ang City of San Fernando Water District sa mga nakilahok upang magbalik tanaw sa nakaraang Araw ng Kalayaan, noong Hunyo 12, 2016. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng ibat-ibang kawani ng Gobyerno sa pamumuno ni Mayor Edwin Santiago at Vice Mayor Jimmmy Lazatin. Isinabuhay muli ang mga hindi malimutang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng ating bansa. Ibat-ibang tema at pakulo ang isinagawa ng mga ahensya na kabilang sa parada. May ilan sa mga ito angĀ  mga nagbihis na tila sundalo, may mga pari at madre, at mayroong namang gumaya sa mga naging pangulo ng Pilipinas. Isa sa mga layunin nito ang pagpapalawak sa kaalaman at pagbibigay ng halaga mula sa mga taong nagbuwis at nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Nagsimula ang parada sa Munisipyo at nagtapos naman ang buong programa sa Heroes hall.